Monday, July 26, 2004

Ziggy!



Yesterday....it was Ziggy's turn to be welcomed to the Christian world!!! His Mum Hazel was very kind to invite us to witness this special occasion. The christening was very solemn...and they had free background music. ;)
May wedding kasi sa main chapel...so nung bina-baptize na si Ziggy...may tugtog..."The Prayer".

I really really made an effort to be there...kaya 8am pa lang ng sunday...nagtuturo na ako. Nai-squeeze ko lahat ng students ko..for the morning slot...except ONE. Kaya kailangan kong umuwi sa bahay by 530pm.

Dahil nabitin yung 2 kong kasama...si "ninong Lino" and Joanne...nagkaya-yaan na manood ng sine. Tutal...one hour lang naman ang turo ko eh...so makakabalik na ako agad sa rockwell. Siguro mga 15 minutes bago matapos yung turo ko...tumawag si Joanne...720pm daw yung i, robot. Sabi ko..okay i'll be there!!!
Dumating ako mga 715pm...five minutes before the time. Gusto ko pa sana bumili ng banana smoothie tsaka ng pinatubo sa jamaican patties kaso gahol na sa oras. Swerte ko kasi shinare ni Lino ang kanyang food sa aken...at si Joanne naman Inilibre ako ng SINE!!! wow!!! Jackpot!!! Hwehehe...jahe talaga ako sa'yo Joanne...pero di bale..next time ako ang taya!!!

Habang papunta kami ng Quezon City...wala nang nangyari sa amin kundi ang mawala. Pero nahanap pa ren namin ang aming "way". Haay pagdating talaga sa QC...yung pagiging "navigator" ko eh parang napupunta sa deadspot...wala akong signal. Kaya the whole time na nasa QC kami...naging hobby namin ang maligaw. Enjoy naman kasi masaya ang kwentuhan naming 3. Mas nakilala ko si Lino and Joanne. I'm really thankful for alimasag.com for my NFFs.
Nahihiya pa kami dun kina Hazel kaya siguro di pa nakapag-usap ng matagal...di bale marami pa namang next time.

Ang bilis ng panahon...matatapos na ang July...at darating na ang August...YEY!!!! la lang...just felt like it!

Ziggy...your alimasag family loves you!!!

No comments: