Sunday, July 11, 2004

BLOW OUT!!!



One week delayed...Last Sunday July 4,2004 umalis kami ng aking choir para manood ng spiderman2. Maaga kaming umalis ni kuya kasi bibili pa ako ng tickets. The night before...ang nag-confirm na sasama ay 11...plus kami ni Kuya...that makes 13. Sige pila ako sa napaka-habang pila sa robs mla sa cinema1 kasi yun ang pinakamalaki at maganda dolby surround sound. Since madami kami...di kaya ng budget ko ang sine sa rockwell kaya robs kami. Treat ko ito sa kanila, dahel sa pagsali nila sa recital ko. I appreciate their time and efforts to share their talents. Kaya, eto nanlibre ako.

Around 415pm dumating na yung mga kasama ko..."voices" kaso...uhm...6 lang sila. O well yung 5 pala eh hindi na makakasama...ang siste nakabili na ako ng tickets. Sayang naman yung 5 tickets na yun...tsaka sana sinabi nila agad sa akin para naman hindi na kami naabala.
At kung nalaman ko lang na 6 lang ang pupunta eh di sana mas nakanood kami sa mas magandang sinehan...walang mahabang pila, hindi SRO...haay. Buti na lang naibenta pa ni Kuya yung 5 tickets! YEY!

Sometimes...when people give me the reason "nahihiya kasi ako sa'yo" i find it sooo lame. Mas ma-a-appreciate ko pa kung sasabihin mo sa akin yung totoo. Parang gan'to yon eh...may taong may utang sa'yo...tapos di ka pa niya binabayaran...tapos later on di ka na ren nya papansinin...tapos malalaman mo ang reason nya kung baket ilag sha sa 'yo is "nihihiya kasi ako sa'yo, di pa ako nakakapag-bayad". Diba mas nakakhiya yung ginagawa nya ngayon?

Minsan, ang mga tao...wala sa lugar ang pagiging "mahiyain".

Enough said. Closed book.

Moving on...masaya pa rin yung naging "date" ko with my choir, we ate at chef d'angelo--> pizza, pasta, chicken, iced tea...tsaaalaap...yumyumyum nagugutom ata ulet ako. Then we went to see spiderman2 (na 2nd time ko nang pinanood, 1st time was with thess,joanne and ivy) pero dahel sa gusto ko yung story, shempre ayun inulit ko!
The movie ended around 730pm so may time pa kami para mag-window shopping...tapos nag snacks kami sa mcdonald's. Hehehe...ang takaw ba? feeling ko nun di pa natutunaw lahat ng kinain ko last july1...eh eto na naman ako...kumakain Haay!!! Anyway, nung busog na ang lahat at masaya na...nag-uwian na kami. Hinatid ko yung anim sa sakayan ng jeep,masaya ako dahil nakasama ko ulet yung choir...halos mag-2 months na ren kaming walang practice...siguro by august magre-resume na kami!!!


No comments: