Sunday, July 11, 2004

Invites!!! Invites!!!



Hirap maging sikat ano? Kaliwa't kanan ang imbitasyon sa akin. (hwehehehe)
Okay tama na ang ilusyon.

Excited lang ako kasi a-attend ako ng christening ni Baby Andie. Ang first born ni Mr.and Mrs. Dindin Moreno (dakilang taga-tambol ng PniE). Highschool buddy ko ang napangasawa nya, si Billie. Talagang masaya kami nung highschool kaya naman tuwang-tuwa ako para sa kanya, sa kanila. Pinadalhan na nga ako ni Billie ng mga pictures ni "baby andie" and cute cute talaga!!!

Eto naman ang siste...I recieved another invitation from my other friend, 1st birthday naman ng kanyang baby. Haay, gusto ko mang daluhan ang 2 events...di naman ata kaya ng powers ko. Dahil sa nauna ko nang nasagutan yung christening ni "baby andie" dun na ako dadalo, at magpapadala na lang ako ng regalo para naman kay "baby carl".

Haay...dati ang dinadaluhan ko mga children's party naming magka-kaibigan, tapos mga slumber party, soiree, tapos naging mga debut, tapos mga kasal, tapos ngayon kung hindi christening ay mga children's party naman ng mga anak ng kaibigan ko. Hehehe...it's a vicious cycle (GAg me with a spoon!)

tee-hee!!!

No comments: