Sunday, July 18, 2004

welcome Andie


 
Today...Amanda Isabel S. Moreno  "andie" was welcomed to the christian world!!! I attended her christening...at nakakatuwa dahel kumpleto ang parokya. Ito yung mga pagkakataon na talagang nakakapagsisi na wala akong camerang dala.
 
Anyway...tawa kami ng tawa dun sa isang part na pinalapit nung pari ang mga ninong at ninang at sinabi "ipatong ang inyong mga kamay sa bata"...maya-maya sabi nung pari..."ang sabi ko hawakan ang bata, hindi yung nanay". Hehehe...kahet kelan talaga...ang kukulet ng "parokya". Nakakatuwang makita silang seryoso!
 
Hirap na hirap akong makausap ang "parokya" kasi ang layo nung table nila sa amin...tsaka lahat ng kaibigan ko eh hindi mga "fans". Haay ang hirap...walang tumutulong sa akin para makipag-kilala. Ang busy-busy naman shempre ni Billie sa pag-aasikaso sa mga guests.
Nung huli...di ko na natiis at kinapalan ko na ang mukha ko... nagpa-picture ako kasama si baby Andie, si Mommy Billie and Daddy Dindin...kasama den ang parokya.
Nanghiram lang kami ng camera...kasama ata ni Billie sa opis yung may ari ng cam!...sana ma-develop.
 
mag-iipon na talaga ako para makabili ng cell na may camera...ang hirap!
 
 

No comments: