Wednesday, May 26, 2004

OTLUM



Matagal ko nang gustong isulat ito...ewan ko ba kung baket hindi natutuloy. Sa wakas my dear fwends...eto na...OTLUM

Year 1990 nung umalis kami sa aming ancestral house (naks! Parang mansyon ang dating) at lumipat sa kanto ng hernandez at kasarinlan st. Sa silong lang ang inupahan nila "Mama at Papa"...hwehehe...2 ang kwarto...bungalow. Okay naman dahel malaki ang garden at banyo.
Ang landlord namen sa "taas" nakatira...hermit sha. Minsan lang lumabas. May mga pagkakataong sobra ang pagkagulat ko kasi di namen nararamdaman ang kilos nya...tapos andun na pala sa gilid mo. Kaya nabansagan namin shang "OTLUM".
Nanirahan kami sa kantong iyon ng hernandez at kasarinlan sa loob ng 10 taon.

Year 2000 ng November lumipat kami sa tapat na apartment (kung saan kami naninirahan ngayon) Medyo nahirapan akong mag-adjust sa layo ng nilipatan namen. (hwehehe) Sa paglipat namin...ang dating masaya at magulong silong sa tapat na kanto ng hernandez at kasarinlan ay nanahimik.

Tuloy ang gulong ng buhay...paminsan-minsan nate-tyempuhan ko si "OTLUM" na lumalabas at bumibili ng ulam, nag-i-igib ng tubig.
Last thursday...may naamoy si Kuya Garry at Kuya Toto (aking kinakapatid) na "amoy patay na daga" sa daan malapit sa kanto...(nakatira si Kuya Toto sa tabi nang lumang bahay). Naisip nila...malamang nalunod yung daga sa lakas ng ulan at namatay sa imburnal.
Pagdating ng sabado...despedida sa bahay nila Kuya Toto...aalis na sha at ang buong pamilya papuntang Canada...pero di maipagkakaila...ang amoy...andun pa ren...mas malakas. Di na natiis pa...naisip ni Kuya Toto na baka sa lumang bahay (dati naming tinitirhan) naroon ang daga.
Inakyat nya ang bahay ni "OTLUM" kinatok...at sa kanyang pag-pasok...bumulaga ang malungkot na katotohanan...

Si "OTLUM" ay wala na...nag-de-decompose na ang katawan nya nung makita ni Kuya Toto...dali-daling tumawag sa funeraria. Di na sha binurol...crinemate na lamang...at ngayon naisip ko...ang hirap mabuhay ng mag-isa...malungkot hanggang sa huli.

Sa umaga ko lang tinatanaw ang luma naming bahay...kasama sa masasaya at nakaktuwang ala-ala naming pamilya ang aming kani-kaniyang eksperyensa sa pagkagulat kay "OTLUM"...sumalangit nawa ang yong kaluluwa.

No comments: