Friday, May 07, 2004

EB sa bahay



Haay...ngayon ko lang mapo-post toh...my own version.

ang inuna ko ay...maglinis ng maglinis (inabot ng araw ang general cleaning) na hindi halata dahel magulo pa ren ang bahay nung nagsidatingan ang aking mga bisita sa aming "mansyon" hwehehe.

Next...MENU!!! Dahel gagawa naman na si Fiona ng sisig...I decided to cook my own ispeyshalty...ISTAPEGI!

Then...shempre...inihanda ko ang materials (baket pa sa amin magpupuntahan kung hindi ren magpa-praktis...tsaka...seryoso nga ako sa pagkanta) --> Ei...Z!!! kelangang pakantahin mo kami...no pressure ;)
I prepared 2 songs...fisrt one would be for the couple 1. I'll Never Say Goodbye theme from "the Promise" 2. The Lion Sleeps Tonight--> this would be for Zizzy'z Baby :). Photocopied 10 copies! Okay... :)

When friday came...hinanda ko na ren ang videoke...at niluto na ang istapegi. Madami ang nag-text na male-late...kaya naman may oras pa ako para magpahinga. Finally...I got an SMS from Lino saying he's in Jollibee...so I went there to meet him and soon enough the others came. Sumunod Kay Lino si Aves and Kim, then si Ronnie, Marlon and the two Jeffs. I'll call them Jeff1-->Bombero and Jeff2-->toink. SO, ayun...nag-convoy na kami papasok sa aming "village" hwehehe...pagdating namin sa bahay nandun na si Kuya Garry, who just came home from a church meeting (na dapat andun den ako pero nag-absent na lang). Pinapasok ko na sila sa loob at...shempre pa...binigyan na sila ng mga kopya ng kanta. Dumating na ren agad si ivy...pwede nang mag-umpisa.

Praktis agad!!! I really don't want to waste anyone's time...tsaka naja-jahe den kasi ako kay aves eh...alam ko kasi super pagod na sila. Okay...ang ganda ng boses ni Aves...tamang-tama dahel sha lang ang soprano at that time. posh-pies and skyefio were still in the office then. Tinuro ko lang muna each voice para dun sa 1st song...medyo mahirap kasi. Then we proceeded to the next song...Hala...tawa sila ng tawa...mukhang nag-enjoy naman kumanta ng "Wim-O-Weh"...hahaha...it was a fun song.

After the practice...Aves and Kim had to leave early cause they still have to study and get some sleep and then work...so...ayun...maaga sila umuwi pero bago namen (muntik) makalimutan...shempre kumuha muna kami ng souvenir pic...na-extra pa yung alaga kong shih tzu na si Hermes.

Shempre...kainan na....ang sarap nung sisig talaga ni fiona...with matching sizzling plate pa...yuuummmy!!!
Mukhang nabusog naman ang aking mga bisita...pero mga tsong sa susunod ...magpa-inom naman kayo...(kahet tig-i-isa lang shot) madaan sana kayo sa kantyaw hwehehe... ;)

Ang sumunod....walang katapusang kantahan. Lahat kumanta...panalo rendition ni Lino ng "you're still you". Si Marlon naman bumanat ng "Perfect" by Simple Plan...aba...may talent pala...eh kaboses nya kasi yung vocalist nung band na yon....Ang isa sa paborito kong kanta eh yung kinanta ni ROnnie na "i'm a Dick...I'm A Dick...I'm ADDICTED TO YOU"...hwahaha....that was a good one!!!! Pero kidding aside...ang saya nun ah...kahet may konting asaran...wala namang pikunan kaya okay na okay.

2 ang bagong mukhang nakita ko nung gabing yon...si Bombero (jeff1) and toink (jeff2). Nakaktuwa naman si Jeff1 kasi he really made it a point to talk to us all and get to know all of us better...kaya parang matagal ko na shang kakilala. ;)

Nung natapos na ang eb...nag-convoy kami para ma-guide sina Lino palabas ng "village"...hwehehe...kaso tuwing tatanungin ni Kuya Garry kung alam na nya yung daan...laging "di pa eh" ang sagot ni Lino. We were joking inside the car...sabi ko nga "baka di naten namamalayan papasok na pala tayo ng cavite"...hwehehe...shempre di naman nangyari yon dahel pagdating ng South Super Highway eh nag-hiwalay na ren kami...at hinated naman namen si Jeff1 sa p.gil na malapit na malapit kung saan sha nakatira. After that, hinated naemn ni Kuya si posh, skye and rye...este...ayir, fiona and ivy sa kani-kanilang bahay. It was ONE GREAT NIGHT...come to think of it...2 araw na namang inabot yung eb...

I am soooo comfortable with my alimasag buddies...na i offered my house for practice venue...kasi...pag maga kaibigan mo ang darating (kahet maliit ang bahay) okay lang...kasi mga kaibigan ko sila. And...sa totoo lang...i hope they see and feel that I am their friend too.

hwehehe...napa-drama tuloy ako...KUYA BANANA...mukhang magkakaroon ka ng katapat sa drama...;)

Ayuss Sapatuss!!!

No comments: