Monday, August 23, 2004

Sabado Nights



Last saturday, I met up with Theyie and Marlon. Nag-enjoy talaga ako'ng makasama sila...mas masaya sana kung nilibre mo kami Lon...(hwehehehe). Anyway, it was just what I needed...something to keep my mind off from...being mugged. (hwehehe kaso panay naman ang paalala sa aken ni dogi)

I lost my wallet and cellphone in the process...hay.

Di naman ako hinarass nung cab driver turned mugger...pero nilito nya ako in order to slash my bag at kunin ang mga laman nito nang hindi ko namamalayan. Medyo parang david blane ang ginawa nya sa aken street magic. Nakababa na ako at lahat...hindi ko namalayan na..flat na ang bag ko...nung kelangan ko nang ballpen para sa pagtuturo...ayUN!!! Don ko lang nakita...wala na...wala na ang cell, wallet...even my pen!!! Nanghina talaga ang tuhod ko. Medyo lutang den kasi isip ko nung mga oras na yon dahel iniipon ko yung pang tuition ni kuya ...tapos nawala den!

Wala na ren yung driver...di ko na makita...burado naman yung pangalan at plate number na dapat ay naka-print sa loob ng cab. Talagang napag-interesan nya yung wallet ko at cellphone.

Mahirap na ang buhay ngayon...siguro nangangailangan talaga si "manong" kaya nya nagawa yon.
Sabi nga nila...pag may nawala sa'yo may babalik ng mas madami.

Kaya mga kaibigan...bago na ang cellphone number ko..send ko senyo. :D

At para kay Theyie and Marlon thanks for keeping me company...
eto nga pala ang aming pic..kuha ni marlon
theyie and Missy



No comments: