Saturday, March 06, 2004

HAppY BEERDaY JOE!



I'll be off from work by 9pm...Si Ivy naman 10pm. So may isang oras pa ako para magpahinga. Dun lang ako sa grounds ng Alexandra...biding my time...come 9:45pm, I went out of the Condominium, nag-antay na ako ng cab. Mga ilang minuto nagdaan...lumapit sa aken yung guard ng Alexandra. Apparently merong airport cab na "nadisregard" and he was willing to bring me kung saan man ako pupunta. Walang metro...white ford lynx car. I said to myself...hmmm..."not bad". Tsaka medyo 9:55pm na...malapit na'ng lumabas si Ivy. So...kinuha ko na yung airport cab. Fetched Ivy...and Off to Libis. Haay...naligaw kami dahel hindi kabisado ni "manong driver" yung daan papuntang Libis.
Nakarating den naman kami...ang na-inform sa amin ni JOE dun daw sa "THE BASEMENT".
Ang daming nakapila...I was just trying to get through when Ivy whispered..."Ayun si Joe oh" lingon...lingon and then I saw him...wow....iba talaga pag birthday ah...naka-"japorms" si birthday boy!!! He was surrounded by his friends...his back turned at us. Ginulat namen ni Ivy....at ayun tumatayo mula sa mga upuan...si A-ann!!!
It was so nice to meet another crabbie...pinakilala den kami ni Joe sa mga college tropa nya sa Org nilang "Outdoor Recreational Group"...i can't remember the exact name...pero parang ganyan ang dating. Lahat ng miyembro bukod kay Joe eh mula sa UP Diliman. Pagkatapos naming maghanap ng ibang malilipatan dahel punong-puno na ang "THE BASEMENT" at sa loob pala ang mga upuan nasa loob ng parang "boat"...na may foam. In other words..mababasa kami kung sakaling doon kami magpupunta. Parang foam party sa Ibiza siguro ang dating nun sa loob. Anyway...wala namang may gustong mabasa sa aming lahat kaya napagkasundan ng grupo na sa "Amoeba" na lang magpunta. Dun kami sa 2nd floor. Maliit lang...may stage sa harap para sa banda...
Dumating yung Band for their second set...kaming lahat naman naka-first set na ng san mig light.
Unang kanta "Because Of You" by Keith Martin...haaay...di mashado natuwa ang crowd.
YUng "crowd" nga pala ay..."KAMI"... pagtapos nun nag-shift na sa hip hop/r and b? yung mga tinugtog nung band...nagulat na lang ako...nagtatayuan na sina A-ann at iba pang mga ka-org ni JOE. SASAYAW??? hwehehe...ang alam ko lang sayaw eh..."heel and toe, step-close- step....still...nakisayaw na ren kami ni Ivy.
It was an experience....atsaka natuwa nang husto ren yung mga tao sa "Amoeba". Binigyan nila si Joe ng complimentary iced tead...kasi ngayon lang daw naging masaya dun sa "Amoeba"...kaya laking pasasalamat nila kay birthday boy.
By 12:30midnight...medyo napapagod na ako...ganun den si Ivy...pareho den kasi kaming galing from work. Tapos ako maaga pa ang turo ko the next day...si Ivy may office pa ren. By 1am...nagpa-alam na kami sa grupo. Medyo Lo bat na kaming dalawa eh beso kami kay A-ann (kapatid nya pala si Oshie, di ko alam)...Joe was very kind to accompany us hanggang dun sa hintayan ng cab. When we were bidding our "farewells"...hwehehe...inabot namen yung gift namen. Nagulat sha...di nya akalin siguro na may gift kami. Nakakatuwa...kasi...alam namen masaya si Joe nung birthday nya.
We parted ways...light hearted.

paglakad-lakad namen ng konti..nakaramdam ako ng gutom...di pa pala ako nakakapag-dinner, gutom den si Ivy. Buti na lang at isang bote at kalahating beer lang ang nainom namen ni Ivy. So, kumain muna kami sandali...tapos sumakay na ng cab. Sobra na ang pagod ni Ivy...namumula na ang mata, wawa naman. Paglingon ko...tulog na. Hinayaan ko na lang at ako na lang nagturo sa cab driver kung saan patungo sa amin.
Hinatid ko si Ivy hanggang sa kanila....tapos derecho na sa amin.
Pagod na kaming dalawa...kasi ako, pagtapos ng gimmick...lagi akong nagpapadala ng text...thanking the people that I've been with for a wonderful time. Kaso...sa sobrang pagod ni hindi ko man lang na-text ng goodnight si Ivy. Eh ganun den si Ivy di na nakapag-text. Kaya alam ko....pagod kaming dalawa.

Ewan ko ba...pagdating ko sa kwarto ko...di pa ren ako makatulog. Nakauwi ako sa bahay around 2:30 am...di ako dalawin ng antok. Gusto ko sana i-post na sa blog ko yung event that night...but I was too tired to think. Bumaba ako at nilinis ang sala...4:00am na...wala pa ring antok. Bumalik na ako sa kwarto...pinilit kong ipikit ang mga mata ko.

7:00am nagising na ako. Okay na ko!!!
Ang saya!!!

No comments: