Friday, October 22, 2004

Surprise! Surprise!!!



Ang dami ko palang kaibigang nagse-celebrate ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Oktubre!!! As in...parang linggo linggo meron akong binabati ng "happy birthday" at nung nakaraang sunday (Oct.17'04) isa na namang surprise party ang naganap!!! Debut ng isa sa aking mga student turned friend. Costume party yung debut nya...pero shempre wala shang ka-idi-idea. Hehehe...instead of having 18 roses/18 candles...she had 18 songs. Shempre napasabak sa kantahan ang buong barkada at kapamilya na ren.

gumawa ren kami ng video kung saan kinantahan namin sha ng "that's what friends are for" na ala mtv. Meron ding mga interviews na nangyari para mas maging maganda yung kanyang debut. Shempre ang pinakamasarap ay yong pagkain. Pot luck...may nagdala ng drinks, pansit, salad, lumpiang shanghai (my peborit!!!) bukod don meron pang ibang handa tulad ng chicken, pork bbque, menudo...etc.

nahihirapan akong mag-post ng images kasi yung host ko ang bagal...next time ko na alng ilalagay yung mga pics...

next time means...

maya-maya Hwehehehe

No comments: